Prayoridad ng bagong hepe ng Bureau of Customs (BOC) ang pagtiyak na makuha at malampasan ang ‘assigned collection target’ ng Aduana ngayong taon.
Gayundin ang mapabilis ang ‘digitization’ sa mga proseso at ang pagpapataas sa moral ng mga empleyado ng ahensiya.
Inihayag ito ni bagong Customs Commissioner Bienvenido Rubio matapos ang pagkakahirang sa kanya ng Malacañang bilang bagong BOC chief.
Pinalitan ni Rubio si dating Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz.
Si Rubio ay nagsilbing Special Agent 1 (SA-1) sa Aduana noong 2001 hanggang maitalagang Director III ng Port Operations Service noong Duterte administration.
Mula sa SA-1, si Rubio ay nagsilbi rin bilang intelligence officer at chief Intelligence division sa Manila International Container Port (MICP).