Hinamon ni House Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate ang Commission on Elections (COMELEC) na parusahan na ang mga kandidato sa presidente at pagka-bise presidente na patuloy na nang-i-iisnab sa debate.
“As a constitutionally constituted body, we submit that it is empowered to penalize these debate skippers who are openly defying the COMELEC’s processes. We make this challenge to the COMELEC: just penalize them now.”
Giit ni Zarate, ito ay upang maiparating sa mga kandidato ang isang malinaw at malakas na mensahe na walang sinuman ang maaaring magmaliit sa independence at constitutional power ng poll body na nangangasiwa sa proseso ng halalan.
Magugunitang dalawang beses na parehong hindi dumalo sa Pilipinas Debates ng COMELEC ang tambalan ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte.
Aniya, bilang isang “constitutionally constituted body” ang COMELEC ay may kapangyarihan itong parusahan ang mga “debate skippers” na lantarang sumasalungat sa proseso ng ahensya.
“[We are] seriously studying the filing of a bill categorically disallowing, penalizing and/or disqualifying candidates who skip debates mandated by the commission”.
Sa ngayon ay kasalukuyan na ring pinag-aaralan ng Bayan Muna sa Kamara ang paghahain ng panukala na hindi pumapayag, nagpaparusa at nagdi-diskwalipika sa mga kandidatong tumatakas sa debate na mandato ng komisyon.
Binabalak din nilang isama bilang “ground for disqualification” sa mga kandidato ang hindi pagbabayad ng buwis at hindi paghahain ng income tax return (ITR) at statement of assets, liabilities and net worth (SALN).