COMELEC, hinimok na imbestigahan si Commissioner Guanzon kasunod ng pagsisiwalat ng boto niya sa disqualification case laban kay BBM

Hinimok ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ang Commission on Elections na imbestigahan si Commissioner Rowena Guanzon kasunod ng pagsisiwalat nito sa desisyon niyang bumotong pabor sa disqualification ni presidential aspirant Bongbong Marcos.

Sa inilabas na statement ni Atty. George Briones, general counsel ng PFP, nakasaad na iligal at nagmamadaling isiniwalat ni Guanzon ang kanyang boto sa kaso laban sa standard bearer nilang si Marcos.

Dahil dito, dapat aniyang tanggalin si Guanzon at alisan ng mga benepisyo gaya ng retirement benefits at lifetime pension matapos na sirain ang reputasyon ng institusyon.


Si Guanzon ay nakatangkdang magretiro sa Pebrero 2.

Samantala, sa isang panayam, sinabi ng commissioner na hindi siya nababahala sa bantang disbarnment ng PFP na hinamon din nito ng debate.

Facebook Comments