COMELEC, iginiit na mananatili sa automated election system ang 2022 national elections

Iginiit ng Commission on Elections (COMELEC) na mananatili sa automated system ang 2022 national elections.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, hindi nila kakayaning magbigay daan sa malaking pagbabago sa sistema ng pagboto lalo na’t nalalapit na ang simula ng panahon ng pangangampanya at eleksiyon.

Bukod dito, abala na rin ang COMELEC sa ibang pang paghahanda tulad ng paghahain ng ilang kandidato ng Certificate of Candidacy (COC).


Paliwanag pa ni Jimenez, posibleng magdulot ng malaking problema ang hybrid election pagdating sa bilangan at canvassing sa mga boto ng tao kaya dapat ay dumaan muna ito sa masusing konsultasyon.

Sa ngayon, nakatutok pa rin ang COMELEC sa voters registration kung saan milyon pa ang hindi nagpaparehistro at nagpapa-reactivate ng kanilang voters data.

Facebook Comments