Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na wala nang dahilan para hindi matuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, 100 porsyento na silang nakahanda at siniguro na rin ng Kongreso na hindi na ito ipagpapaliban pa.
Aniya, kumpleto na rin ang procurement sa election paraphernalia habang 50 porsyento ng 91 milyon na balota ang naimprenta na.
Inaasahan din na makumpleto ang printing at verification ng mga balota sa ikalawang linggo ng Pebrero.
Sa kasalukuyan, 1.028 milyon na ang nakapagparehistro sa nagpapatuloy na voter registration na nakatakdang magtapos sa Enero 31.
Facebook Comments