Friday, February 27, 2026

Content creator na si Norman Mangusin, inilipat na sa Paranaque City Jail

Inilipat na sa Paranaque City Jail ang content creator na si Norman Mangusin o mas kilala na si Francis Leo Marcos matapos itong maaresto at makulong ng dalawang araw sa detention facility ng Philippine National Police – National Capital Region (PNP-NCR) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ayon kay CIDG-NCR Director Police Col. John Guiagui, kailangan nang mailipat si Mangusin dahil naglabas na ng commitment order ang Paranaque Regional Trial Court (RTC) kung saan isinampa ang kaso at naglabas ng arrest warrant kung saan nakatakda ang kanyang arraignment sa March 2.

Ayon kay Guiagui, bagaman bailable ang kasong isinampa kay Mangusin ay hindi ito naglagak ng pyansa na nagkakahalaga ng P120,000.

Nabatid na nahaharap sa kasong Unjust Vexation si Mangusin na isinampa ng kanyang kapwa vlogger na si MG.

Facebook Comments