Tuesday, February 24, 2026

Content creator na si Norman Mangusin, inaresto ng CIDG-NCR sa kasong 12 counts ng Unjust Vexation

Naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) ang content creator na si Norman Mangusin o mas kilala bilang si Francis Leo Marcos sa isang hotel sa Pasay City ngayong araw.

Siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 294 sa Paranaque City para sa 12 counts ng kasong Unjust Vexation na may rekomendang piyansang P120,000.

Ayon kay CIDG Director Police Major General Robert Morico II, patuloy ang kanilang imbestigasyon kay Mangusin dahil sa mga iba pang reklamo na kanilang natatanggap kagaya ng scam at estafa cases.

Ayon naman ni National Police Commission (NAPOLCOM) Vice Chairperson and Executive Officer Commissioner Rafael Vicente Calinisan, peke rin umano ang mga dokumento ni Mangusin kagaya ng Land Transportation Office (LTO) at birth certicate at mga pasaporte nito.

Kaugnay nito,hinimok naman ni Morico ang iba pang magsasampa ng reklamo laban kay Mangusin na dumulog sa tanggapan ng CIDG.

Facebook Comments