Continuing Professional Development Act, ipinasasawalang-bisa ng Senado

Isinusulong ni Senator JV Ejercito na ipawalang-bisa na ang Continuing Professional Development (CPD) Act.

Iginiit ni Ejercito na sa halip na makatulong sa mga Filipino professionals ang batas ay naging dagdag gastos at pahirap ang proseso ng renewal ng lisensya.

Sa Senate Bill 1162, tinukoy ni Ejercito na patuloy na tinataga sa bayarin at nililito sa mahabang proseso ang ating mga professionals sa pagkumpleto ng kanilang requirements sa ilalim ng nasabing batas.


Aniya, batay sa mga report, ang mga seminars na ibinibigay ng mga CPD providers sa mga nurses ay aabot ng P1,000 kada sesyon.

Naging pabigat lamang aniya ito sa mga naghihikahos na Filipino professionals lalo’t patuloy na nakikipaglaban ang bansa ng inflation.

Sa ilalim ng batas ay itinatag ang mga programa ng CPD para sa lahat ng regulated professions at ginawang mandatory requirement ang CPD para sa renewal ng personal identification cards ng lahat ng rehistrado at lisensyadong professionals sa ilalim ng regulasyon ng Professional Regulation Commission (PRC).

Facebook Comments