
Ipag-uutos ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang pagsusumite ng courtesy resignation ng lahat ng opisyal ng DPWH.
Ayon kay Dizon, alinsunod ito sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng malawakang “clean sweep” sa DPWH bilang unang hakbang para linisin ang ahensya mula sa anumang katiwalian at iregularidad.
Saklaw ng courtesy resignation ang undersecretaries, assistant secretaries, division heads, hanggang district engineers.
Kasunod nito, magsasagawa ng masusing personnel review upang matukoy kung sinu-sino ang mananatili at kung sinu-sino ang tuluyang aalisin sa puwesto.
Layunin nitong tiyakin na ang mga natitirang opisyal ay may integridad at kakayahang magpatupad ng mga proyekto nang tapat at epektibo.









