COVID-19 Alert Level System, ipapatupad na sa buong bansa simula sa Lunes!

Simula sa Lunes, ipapatupad na ang COVID-19 Alert Level System sa buong bansa.

Ito ang kinumpirma ngayon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III.

Noong nakaraang linggo, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang implementasyon ng Nationwide Alert Level System matapos na makitaan ng magandang resulta sa pagpapatupad nito sa National Capital Region.


Sa ilalim ng Executive Order 151, umiiral na ang Alert Level System sa NCR, Regions 3, 4A, 6, 7, 10 at 11 habang ipapatupad naman ito sa Regions 2, 8 at 12 para sa phase 2.

Nasa ilalim ng phase 3 ang Regions 2, 5 at 9 habang sa phase 4 ang Cordillera Administrative Region, Regions 4B at 13, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ang Department of Health ang tutukoy kung anong alerto ang iiral sa mga lungsod o munisipalidad, batay sa guidelines ng Inter Agency Task Force.

Facebook Comments