Umakyat pa sa 12.4% ang seven-day COVID-19 positivity rate sa National Capital Region nitong December 3.
Mas mataas ito sa 11.1% na bilang ng mga nagpopositibo as of November 26.
Batay sa monitoring ng OCTA Research Group, nakitaan din ng pagtaas ng positivity rate ang mga probinsya ng Bataan, Cagayan, Camarines Sur, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Rizal at Zambales.
Habang sampung probinsya naman sa Luzon ang bumaba ang positivity rate kabilang ang Albay, Batangas, Benguet, Bulacan, Cavite, Isabela, Kalingan, La Union, Mountain Province at Tarlac.
Ang Nueva Ecija ang nakapagtala ng pinakamataas na positivity rate sa Luzon na nasa 39.1% habang pinakamababa sa Batangas na nasa 5.2%.
Facebook Comments