DA, iginiit na maganda ang naging agricultural production ng bansa sa nakalipas na taon

Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na maganda ang naging agricultural production ng bansa sa kabila ng mababang output nito noong nakaraang taon.

Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes sa interview ng RMN Manila na nakatulong ang mga pananim sa kabila ng manipis na produksyon ng ilang agrilcultural products.

Ayon kay Reyes, kabilang dito ang palay kung saan nakapagtala ito ng all-time high annual production na 19.96 million metric tons na mas malaki ng 3.4 percent kumpara sa dating record na 19.29 million metric tons


Sa kabilang banda, tinukoy naman ni SINAG President Rosendo So sa interview ng RMN Manila na malaki ang ibinaba ng produksyon sa baboy sa bansa dahil sa banta ng African Swine Fever.

Sinabi ni So na mula sa 3 hanggang 4 percent na kontribusyon nito sa agrikultura ay bumagsak ito sa negative 6 percent.

Facebook Comments