DA, naglaan ng P853-M bilang tulong sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng Bagyong Odette

Naglaan na ang Department of Agriculture (DA) ng P853 million na pondo bilang tulong sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng Typhoon Odette.

Ayon kay DA Secretary William Dar, naka-preposition na ang P355.26 million na halaga ng mga buto, fingerlings at biologics.

Makakatanggap din ang mga mangingisda ng mga bagong bangka at repair materials.


Habang inihahanda na rin ng ahensya ang P500 million para sa rehabilitation at recovery efforts na kukunin sa Quick Response Fund.

Samantala, sa inisyal na datos ng DA, umabot na sa P127 million ang halaga ng pinsalang idinulot ng Bagyong Odette sa sektor ng agrikultura.

Facebook Comments