Inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang apelang P55 dagdag sahod sa mga minimum wage earner sa Bicol Region.
Sa ilalim ng Wage Order No. RBV-20, P55 ang dagdag sahod ng mga manggagawa sa rehiyon ay ibibigay sa loob ng dalawang bugso.
Unang ibibigay ang P35, oras na maging epektibo ang kautusan habang sa December 1, 2022 ipatutupad ang dagdag pang P20.
Ibig sabihin, magiging P365 na ang minimum na sahod sa Bicol Region para sa lahat ng sektor.
Maliban dito, inaprubahan din ng Wage Board ang P1,000 hanggang P1,500 na dagdag sahod ng domestic worker sa rehiyon kaya aabot na sa P4,000 ang kanilang buwanang sahod.
Ang bagong Wage Orders ay isusumite sa National Wages and Productivity Commission at magkakabisa 15 araw pagkatapos mailathala sa isang pahayagan.
Samantala, inaprubahan din ngayong araw ang P50 hanggang P60 dagdag sahod ng mga manggagawa sa Cordillera Administrative Region (CAR).