Daily average ng COVID-19 cases, tumaas ng 32%

Tumaas ng 32% ang daily average cases ng COVID-19 sa bansa.

Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 3,148 na bagong kaso ng sakit ang naitala sa bansa mula April 17 hanggang 23.

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 450 na mas mataas kumpara sa 341 noong April 10 hanggang 16.


Samantala, ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nasa 10.9% na ang nationwide positivity rate o ang porsiyento ng mga nagpopositibo sa COVID-19 tests sa bansa.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng DOH ang publiko na patuloy na mag-ingat, mag-facemask at magpaturok ng booster shot.

Nabatid na 26 na lugar sa bansa ang nananatili sa COVID-19 Alert Level 2 hanggang sa katapusan ng Abril.

Nakapagtala ang DOH ng 429 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon.

Walang panibagong nasawi dahil sa virus kaya nananatili sa 66,444 ang death toll.

Habang 750 ang recoveries kaya bumaba sa 4,336 ang active cases o mga patuloy na nagpapagaling.

Facebook Comments