Dalawa patay, isa sugatan sa nangyaring sunog sa Mandaluyong City

Kinumpirma ng Bureau of Fire Protection (BFP) Mandaluyong na dalawang bata ang nasawi sa nangyaring sunog sa Barangay Poblacion, Mandaluyong City.

Partikular sa isang residential area sa Sunday Street kung saan nagsimula ito ng alas-11:57 ng gabi.

Pawang gawa sa mga light materials ang mga bahay kaya’t inabot ng ikalawang alarma ang sunog saka idineklarang fire out ng bago mag-2:00 ng madaling araw.


Ang mga biktima ay pawang magkapatid kung saan ang isa ay 6-anyos gulang na batang lalaki at 15-anyos na dalagita.

Sa imbestigasyon, naiwang natutulog ang magkapatid sa ikalawang palapag ng kanilang bahay ng mangyari ang insidente.

Isang babae rin ang naitalang sugatan at nasa 50 bahay ang nadamay habang inaalam pa ang pinagmulan ng sunog maging ang halaga ng pinsala.

Facebook Comments