Dalawang local college sa MIMAROPA, eligible na sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act

Dalawang lokal na kolehiyo sa MIMAROPA ang opisyal nang binigyan ng institutional recognition ng Commission on Higher Education (CHED).

Dahil dito, eligible na ang mga ito na makapag-avail ng mga benepisyo sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Ang Baco Community College at City College of Calapan sa Mindoro Oriental ay nakapasa sa criteria ng quality program ng CHED.


Ang City College of Calapan ang kauna-unahang Local Universities and Colleges (LUCs) na naitatag sa MIMAROPA noong 2008.

Dahil sa naturang batas, libre ang tuition at miscellaneous fees ng 1.3 milyong kabataang Pilipino na nag-aaral sa 112 na State Universities and Colleges (SUCs) at 123 na LUCs.

Facebook Comments