DAR, nagkaloob ng malinis na tubig sa mga magsasaka sa Albay

Nagkaisa ang Department of Agrarian Reform (DAR) at ang Pamahalaang Lokal ng Tiwi sa Albay upang magdala ng isang Community-Managed Portable Water Supply, Sanitation at Hygiene Project (CPWASH) sa Barangay Naga upang magkaroon ng malinis na tubig ang mga pamilyang magsasaka dito.

Ayon kay DAR Provincial Agrarian Reform Program Officer Engineer Renato Bequillo, pangunahing tinutugunan ng proyektong CPWASH ang mga pangangailangan ng Agrarian Reform beneficiaries at ng kanilang mga pamilya ang pagkakaroon ng ligtas at malinis na maiinom na tubig.

Paliwanag ni Bequillo, itinutulak nila ang proyektong ito partikular sa mga malalayong lugar tulad sa Tiwi kung saan ang mga tao ay walang pagkukunan ng malinis na tubig.


Inaasahan ng DAR na magsisimula ang proyekto sa lalong madaling panahon at ito ay magagamit sa 10 araw matapos ang konstruksyon na uumpisahan ngayong buwan ng Hunyo.

Sa ilalim ng kasunduan, magbibigay ang DAR ng kumpletong pakete ng mga Water Sanitation (WATSAN) Facilities na binubuo ng iron removal filter at rain water collector na nagkakahalaga ng P110,000.

Facebook Comments