Datos hinggil sa kahandaan ng mga pampublikong paaralan na magpatupad ng face-to-face classes sa Nobyembre, dapat ilabas ng DepEd – ACT

Hinimok ng grupo ng mga guro ang Department of Education (DepEd) na maglabas ng datos hinggil sa kahandaan ng mga pampublikong paaralan, partikular ang mga humihingi ng exemption sa pagpapatupad ng face-to-face classes sa Nobyembre 2.

Ginawa ng Alliance of Concerned Teachers ang apela kasunod ng bagong DepEd Order (DO) No. 44 na obligado pa ring magpatupad ng face-to-face classes ang mga pampublikong paaralan sa Nobyembre.

Ayon sa ACT, nakatanggap sila ng ulat na maraming mga paaralan, lalo na sa National Capital Region (NCR), ang umaapela na ma-exempt sa limang araw na face-to-face classes dahil hindi ito magagawa ng kanilang mga pasilidad at human resources.


Batay rin kasi sa bagong DO 44, tanging mga pribadong paaralan lamang ang pinapayagang magpatupad ng blended learning modalities dahil sa epekto ng COVID-19 sa mga pribadong institusyon, lalo na ang maliliit na paaralang nalugi at nagsara.

Facebook Comments