Death toll sa magnitude 7.8 na lindol sa Turkey, Syria, pumalo na sa higit 46-K

Pumalo na sa mahigit 46,000 ang nasawi sa magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at Syria.

Sa Turkey, umabot na sa 40,642 ang death toll habang 5,800 sa Syria.

Kabilang sa nasawi ang dating Ghana international footballer na si Christian Atsu na natagpuan sa gumuhong gusali sa Antakya.


Samantala, iilan na lamang ang mga nakukuhang survivor ng mga rescuer halos dalawang linggo mula nang tumama ang lindol.

Ayon kay Yunus Sezer, pinuno ng Disaster and Emergency Management Authority (AFAD) ng Turkey, tatapusin na nila ang search and rescue efforts mamayang gabi.

Facebook Comments