Umapela si Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas na magpatupad ng moratorium sa mga demolisyon ngayong nasa gitna pa ng COVID-19 pandemic ang bansa.
Sa budget deliberation ng Kamara para sa 2022 budget ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), iginiit ni Brosas na dapat ay wala munang demolisyon, lalo’t tumataas ang mga kaso ng COVID-19.
Tinukoy ng kongresista ang mga demolisyon ginawa sa kasagsagan ng health crisis sa Tondo, Paranaque at iba pang lugar sa Bulacan at Cavite.
Sinuportahan naman ni DHSUD Sec. Eduardo Del Rosario ang demolition moratorium dahil sa pandemya.
Tiniyak naman ni National Housing Authority (NHA) General Manager Marcelino Escalada na bago ang demolisyon ay dapat matiyak muna na may relokasyon para sa mga maaapektuhan.