Department of OFW, operational na

Epektibo nang itinatag ang Department of Migrant Workers (DMW) para sa 7 million na Overseas Filipino Workers (OFW).

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, inahahanda na ang department order sa paggamit ng aktuwal na pondo ng departamento sa Marso 5 habang ang implementing rules and regulations (IRR) ay dapat mailathala sa Abril kasunod ng staffing pattern sa Hunyo 3.

Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Disyembre 31, 2021 ang Republic Act (RA) 11641 na naglalayong paghusayin ang pagtutulungan sa hanay ng mga ahensiya at OFW’s.


Ang mga ahensiyang ito ay kinabibilangan ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) ng DFA, International Labor Affairs Bureau (ILAB), National Reintegration Center for OFWs (NRCO), the National Maritime Polytechnic, Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Office of the Social Welfare Attache (OSWA), at lahat ng Philippine Overseas Labor Offices (POLO).

Sa ngayon ay hinihintay na lamang na pangalanan ni Pangulong Duterte ang gabineteng mamumuno rito.

Facebook Comments