Inihayag ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na hiniling nila sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) na hikayatin ang mga Telecommunication company sa bansa na magbigay ng free internet access para sa DepEd Commons.
Ang DepEd Commons ay isang online platform ng kagawaran na gagamitin bilang isa sa mga pamamaraan ng pag-aaral ng mga estudyante para sa school year 2020-2021.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, ang pakikipagtulungan nito sa dalawang ahensya ay preparasyon para sa pagbubukas ng klase ngayong Agosto 24, 2020 upang maayos na maipatupad ang iba’t ibang uri ng learning modalities sa distance learning.
Nais din aniya nito na paigtingin ang pagkakaroon ng magandang internet connection sa pamamagitan ng pagpapalawak ng satellite capacity at magkaroon ng fiber internet connection sa mga malalayong lugar.
Tinutukoy ni Briones ang mga paaralaan na nakatayo sa sa mga far flung area ng bansa na walang pang internet connection.