DepEd, umaasang bago matapos ang Agosto masisimulan na ang pagbabakuna sa mga bata

Umaasa si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na mapasisimulan na rin ang pagbabakuna sa mga bata sa darating na buwan ng Agosto.

Ito ay kasunod nang inaasahang pagbubukas ng klase sa Setyembre 13, 2021.

Ayon kay Sec. Briones kahit pa blended learning pa rin ang paraan ng pagtuturo ngayon sa mga estudyante ay nangako aniya si Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez na bibigyang alokasyon din ng bakuna ang mga bata.


Sa ngayon, nasa higit tatlong daang libong mga guro at non-teaching staff na ang nabakunahan kontra COVID-19.

Ani Briones, nananatili ang kondisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hangga’t hindi pa ligtas at bakunado ang majority ng populasyon ay wala munang magaganap na face-to-face classes.

Sa ngayon, ang Pfizer pa lamang ang bakunang pwedeng iturok sa edad 12 years old pataaas habang patuloy pang sinusuri ng Food and Drug Administration (FDA) kung maaari na ring iturok sa mga bata ang Sinovac.

Facebook Comments