Iminungkahi ni Department of Education Undersecretary Epimaco Densing III kay Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio na gawin nang Tagalog at English ang wikang ginagamit sa pagtuturo sa lahat ng mga paaralan sa bansa.
Sa isang panayam, pinaliwanag ni Densing na sa ilalim kasi ng K to 12 law ay ginagamit ang mother tongue o dayalekto sa isang lugar mula sa Kindergarten hanggang Grade 3.
Punto ni Densing na kung naging praktikal at epektibo ito, bakit bagsak ang Pilipinas sa ebalwasyon ng International Student Assessment.
Gayunman, ang mungkahi ito ay kinakailangan pang dumaan sa batas.
Samantala, kinumpirma ni Densing na natapos na ang pag-repaso sa mga programa mula sa Kindergarten hanggang Grade 10.
Kaugnay nito, inaasahan nasa lalong madaling panahon ay maipapakita na ang mga babaguhin dito.
Matatandaang, lumabas sa isang survey ng Pulse Asia na 44% na mga Pilipino ang hindi nasiyahan sa K to 12 program.