Pinagtibay ng Korte Suprema ang naunang desisyon ng Sandiganbayan noong 2012 na nagbabasura sa ₱41 billion na ill-gotten wealth case ng pamilya Marcos, kung saan may kaugnayan din ang business tycoon na si Lucio Tan.
Sa 62 pahinang desisyon ng Supreme Court en banc, ibinasura ang petition for review on certiorari dahil sa kawalan ng merito.
Ang estate ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ay kinatawan ni dating Unang Ginang Imelda Marcos at ng kanilang mga anak na sina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., Sen. Imee Marcos, at Irene Marcos-Araneta.
Kabilang sa mga naghain ng complaint laban sa mga Marcos, at kay Lucio Tan ang Presidential Commission on Good Government noong 1987.
Taong 2012 naman nang ibasura ng Sandiganbayan ang reklamo matapos mabigo ang republika na patunayan na ang mga asset at properties ay tagong yaman at mula sa government sources.