DFA, tiniyak na makakapiling ng 17 seafarers na bihag ng grupong Houthi ang kanilang pamilya bago mag-Pasko

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na makakauwi ng Pilipinas ang 17 Filipino seafarers na bihag ng Houthi rebels bago mag-Pasko.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, nananatiling nasa maayos na kalagayan ang naturang Pinoy seafafers.

Aniya, hindi sila sinasaktan ng hostage takers at nakakakain nang maayos.


Sa katunayan aniya, ilan sa kanila ay nakausap na ang kanilang pamilya sa Pilipinas.

Ang naturang mga Pinoy ay nasa barko pa rin sa port sa southern Yemen.

Nanindigan din si De Vega na walang hinihinging ransom money ang Houthi rebels kapalit ng kalayaan ng Pinoy seafarers.

Facebook Comments