DICT, target na mairehistro ang 70 percent na active SIMs sa bansa sa loob ng 90 day extension ng SIM registration

Target ng Department of Information and Communications Technology o DICT na marehistro ang 70 percent na active SIMs sa bansa sa loob ng 90 na araw na extension para magrehistro.

Ito ay matapos na aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang 90-day extension ng SIM registration sa isinagawang sectoral meeting kanina sa Malacañang matapos ang proposal ng DICT.

Sa sectoral meeting, sinabi ng pangulo na kung sakaling hindi pa rin makarehistro sa loob ng 90 araw ay magreresulta ito ng limited SIM services mula sa telecommunication companies.


Sa kasalukuyan ay mayroong 168 milyong active SIMs sa Pilipinas sa bilang na ito 82 milyon SIMs o 49.31% total active SIMs lang na irehistro.

Ang ginagawang SIM registration ngayon ay magtatapos sa April 26.

Inaprubahan ng pangulo ang 90-day extension upang ma-enjoy ng mga Pilipino ang social, digital at financial inclusion kapag naisagawa ang SIM registration.

Facebook Comments