Sa harap ng paggunita ng Semana Santa simula ngayong araw hanggang April 4, inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP), mga Local Government Units (LGUs) at mga barangay na maging istrikto sa pagpapatupad ng pagbabawal sa mass gathering sa National Capital Region (NCR) at sa mga kalapit na probinsiya tulad ng Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna.
Kabilang sa ipinagbabawal ay ang religious gatherings at face-to-face meetings. Habang ang pagdaraos ng kasal, binyag at funeral services ay nililimitahan lang sa sampung katao ang pinapayagang makadalo.
Inutusan ni DILG Officer-in-Charge Bernardo Florece Jr. ang PNP na magtatag ng mga border checkpoint upang matiyak na essential workers ang papasok at lalabas at upang ipatupad ang uniform curfew hours.
Pinakilos din ang LGUs para mag-deploy ng COVID-marshalls, Barangay Disiplina Brigades, barangay tanod at iba pang force multipliers para hulihin ang mga pasaway.
Pinababantayan din ng ahensya sa PNP at LGUs ang mga driving school, traditional cinema, video-and interactive-game arcades at iba pa na pansamantalang ipinatigil ang operasyon dahil sa pagsipa ng COVID-19 cases.