DMW at US-NGO, magtutulungan kaugnay ng kaso ng mga Pinoy sa US na biktima ng human trafficking

Aaksyunan na rin ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga Pilipinong biktima ng human trafficking sa Amerika.

Kaugnay nito, makakatuwang ng DMW at ng Philippine Embassy sa Washington DC ang isang non-government organization (NGO) sa US para sa pagresolba sa kaso ng mga Pinoy na biktima ng human trafficking doon.

Partikular na makatutulong ng DMW at Philippine Embassy ang Polaris na isang NGO at US government-supported organization na kilalang tumutulong sa mga biktima at survivors ng human trafficking.


Hindi naman tinukoy ng DMW ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa Amerika na biktima ng human trafficking.

Facebook Comments