Tiniyak ni Migrant Workers Officer-In-Charge (OIC) Hans Leo Cacdac na may pagkukuhanan sila ng pondo para sa Oversea Filipino Workers (OFWs) na pansamantalang mawawalan ng trabaho sa Taiwan matapos ang malakas na lindol.
Ayon kay Cacdac, may action fund ang Department of Migrant Workers (DMW) na paghuhugutan ng itutulong sa OFWs na posibleng maapektuhan ng work disruption.
Sa ngayon, patuloy na tinutunton ng DMW ang iba pang mga Pinoy sa Taiwan.
Ito ay bagama’t wala pa namang naiulat na nawawalang OFWs sa nangyaring lindol.
Facebook Comments