DND Sec. Gibo Teodoro, kokonsulta muna sa national security cluster bago maglatag ng security policies

Makikinig at mag-aaral.

‘Yan muna ang gagawin ng bagong upong kalihim ng Department of National Defense (DND) na si Gilberto “Gibo” Teodoro.

Ayon kay Sec. Teodoro, dahil ilang taon syang nawala sa serbisyo publiko nais muna nyang komunsulta sa National Security Cluster bago maglatag ng security policies.


Kasunod nito, sinabi ng kalihim na base sa marching order sa kanya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kinakailangang magkaroon ng transition sa ating national defense na hindi masasakripisyo ang mga nakuha nating gains o achievements pagdating sa internal security at external defense.

Bilin din ng pangulo sa kanya na walang dapat na mawalang teritoryo ang Pilipinas.

Samantala, isusulong din ni Teodoro ang Armed Forces of the Philippines (AFP) modernization program, kung saan sinabi nitong sisikapin niyang makakuha ng pondo para lubusang maisulong ang pagbili ng mga bagong kagamitan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Si Gibo ay dati nang nagsilbing kalihim ng DND mula 2007 hanggang 2009 sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Facebook Comments