DND, suportado ang bagong batas na nag-aatas na magkaroon ng fixed term ang ilang key officials ng AFP

Sinusuportahan ng Department of National Defense (DND) ang bagong batas na R.A.11709 na nagbibigay ng pahintulot na magkaroon ng 3 years term ang ilang key officials sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang pinakalayunin ng batas ay para mabigyan ng sapat na panahon ang mga AFP generals na naitatalaga sa mga key officials na magampanan ng maayos ang kanilang trabaho sa loob ng tatlong taon.

Matitiyak din daw sa bagong batas na tanging ang best officers ng AFP ang makakaupo sa mga key officials.


Batay rin sa R.A. 11709 malilimit ang bilang ng mga general officers hanggang sa 0.01 percentum ng kabuuang pwersa ng AFP.

Naniniwala si Lorenzana na ang optimal number ng generals ay mas sapat para pamunuan ang buong AFP.

Dagdag pa ni Lorenzana ang batas ay makakatulong din ng malaki sa vision at programa ng AFP partikular mas malaking sweldo ng mga sundalo, patuloy na recruitment, pagbili ng mga kagamitan at pag improve ng health services.

Dahil dito nagpapasalamat si Lorenzana sa mga miyembro ng Kongreso na nagsulong ng bagong batas.

Facebook Comments