Umaasa ang Department of Energy (DOE) na mapupunuan ng nalalabing resources sa Malampaya field ang pangangailangan sa suplay ng kuryente.
Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, napapanahon ang 15 taong extension ng Service Contract 38 upang maisagawa ang drilling operations para sa karagdagang 210 billion cubic feet ng langis.
Katumbas ito ng 2,000 megawatts ng kuryente na magagamit sa power generation lalo’t hanggang taong 2027 pa ang makukuha sa Malampaya field, makatutulong umano ito upang mapahupa ang presyuhan dahil mas mura ang indigenous gas production kumpara sa inaangkat na liquefied natural gas.
Dagdag pa ng kalihim na nagkakaroon ng problema sa transmission ng kuryente at dumagdag pa ang pagtatapos ng supply agreement para sa 1200 MW sa Ilijan power plant kaya kailangang maisakatuparan ang extension ng SC 38.
Samantala, patuloy namang makikipagtulungan ang DOE sa subsectors ng power industry mula sa generation, transmission at distribution at sa mga institusyon tulad ng spot market.