DOH at DILG, nagsanib pwersa na sa imbestigasyon kaugnay ng nasunog na imbak ng bakuna sa Zamboanga del Sur

Kinumpirma ni Health Usec. Myrna Cabotaje na nagtutulungan na ang Department of Health (DOH) at ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagsisiyasat sa nangyaring sunog sa Integrated Provincial Health Office ng Zamboanga del Sur sa Pagadian City.

Sa naturang sunog, nadamay ang pinag-iimbakan ng 148-thousand doses ng ibat-ibang brand ng mga bakuna kontra COVID-19 .

Kaugnay nito, nagtataka si Health Sec. Francisco Duque, kung bakit hindi agad naipakalat ang mga bakuna.


Tiniyak naman ng DOH na agad nilang papalitan ang mga nasunog na bakuna.

Sa ngayon, may tatlong freezer nang natukoy ang DOH na magagamit para sa dadalhing mga bakuna sa Zamboanga del Sur.

Facebook Comments