DOH, hinimok ang publiko na magpakonsulta kaagad sa oras na makaramdam ng sintomas ng Dengue

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na magpakonsulta kaagad sa oras na makaramdam ng sintomas ng Dengue.

Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, karamihan kasi sa mga nao-ospital dahil sa Dengue ay nasa late stage na ng sakit.
Mababatid na pumalo na sa mahigit 65,000 ang kaso ng Dengue sa buong bansa mula Enero hanggang Julyo 2.

Mas mataas ito ng 83% kumpara sa naitalang nasa 35,000 na kaso ng sakit sa kaparehas na panahon noong 2021.


Lumalabas din sa datos ng DOH, ang Central Luzon, Central Visayas at Zamboanga Peninsula ang nakapagtala ng maraming kaso ng sakit sa mga rehiyon sa bansa.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Vergeire na pinag-aaralan na nila na gamitin ang mga Dengue vaccines na available sa ibang bansa.

Facebook Comments