DOH, may hanggang bukas na lang para maibigay ang SRA ng mga health workers

107

Binigyan ng hanggang bukas ng grupo ng mga health workers ang Department of Health (DOH) para maibigay ang ipinangakong benepisyo para sa kanila.

Una nilang itinakda ang deadline sa August 31, isang araw bago ang mass protest ng mga public at private health workers sa September 1.

Ayon kay Alliance of Health Workers (AHW) President Robert Mendoza, dismayado sila sa kinahantungan ng pagdinig ng Senado kahapon dahil naka-focus lang ito sa Special Risk Allowance (SRA) na tila ipinagdadamot pa ng gobyerno.


Samantala, sabi ni Filipino Nurses United (FNU) President Maristela Abenojar na ang ikakasa nilang protesta ay mataas na antas na ng pagkilos ng mga health workers.

Facebook Comments