Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko lalo na sa mga magsisipagpunta sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr. mamaya sa National Museum.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na dapat panatilihin ang pagsunod sa health and safety protocols tulad na lamang ng pagsusuot ng tamang face mask at palagiang pagdi-disinfect ng kamay gamit ang alcohol o sanitizer.
Dapat din ay fully vaccinated at boosted ang mga dadalo sa event.
Ayon kay Vergeire, ayaw naman nilang maging super spreader event ang inagurasyon ni PBBM kung kaya’t mahigpit na ipatutupad ang safety protocols.
Payo pa nito sa mga may sakit, nakatatanda at mga bata na wag nang makipagsiksikan pa at panuorin na lamang ang oath taking sa live streaming.