Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) kung paano tutugunan ang daing ng mga hospital na ‘reinforcement’ o dagdag-tulong sa tumataas na COVID-19 cases sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang pagkuha muli ng mga healthcare workers sa mga lugar na hindi masyado apektado ng COVID-19 para dalhin sa Metro Manila ang nakikita nilang isang solusyon gaya ng ginawa nila noong Hulyo at Agosto ng nakaraang taon.
Aniya, hindi lang ang pagdadagdag ng kapasidad o bed capacity sa mga ospital ang dapat gawin para matugunan ang COVID-19 kundi maging ang pagdadagdag ng healthcare workers.
Nauna nang ipinanawagan ng grupo ng mga ospital sa DOH ang ‘reinforcements’ para sa pagtugon sa COVID-19.
Facebook Comments