Nagpaalala sa publiko ang Department of Health (DOH) laban sa mga sakit na pwedeng makuha sa panahon ng tag-ulan, tulad ng leptospirosis.
Ito ay matapos makapagtala ang DOH ng 1,178 na kaso ng leptospirosis mula Enero hanggang Hulyo 2022.
Mas mataas ito kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, na may 928 na kaso.
Nakapagtala rin ang DOH ng 156 na pagkamatay dahil sa leptospirosis.
Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, ang leptospirosis ay isang bacterial infection na makukuha sa mga hayop at ito rin ay madaling kumalat sa tubig-baha at makahawa sa mga sugat.
Dagdag pa ni Vergeire, kung sakaling magkaroon ng sintomas ng leptospirosis sa loob ng dalawang araw na kagaya ng lagnat, pananakit ng ulo at kalamnan, paninilaw ng balat at mata, at iba pa, ay agarang magtungo sa mga health center at magpakonsulta.