DOH, nagbabala sa posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa Abril dahil sa election activities

Nagbabala ang Department of Health (DOH) na posibleng umabot sa mahigit 600 ang maitalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa Abril.

Sa harap ito ng mga aktibidad ngayong nalalapit ang halalan sa bansa.

Bunga nito, pinayuhan ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang publiko na huwag magpabaya at manatiling sumunod sa health protocols.


Dapat din aniyang ipagpatuloy ang pagpapabakuna kontra COVID-19 at ang pagpapa-booster shot.

Kinumpirma rin ni Vergeire na kanila ring mino-monitor ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga kalapit na bansa lalo na ang China.

Ito at bagama’t bumababa na rin ang kaso ng infection sa Hong Kong.

Facebook Comments