Tiniyak ng Department of Health (DOH) na walang aktibong kaso ng COVID-19 sa mga residenteng lumikas sa Albay dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay DOH Spokesperson Undersecretary Enrique Tayag, bagama’t mayroong apat na naiulat na kaso ng COVID-19 sa Albay evacuation centers noong July 14, ang mga ito ay nagnegatibo na sa test at nakalabas na rin sa isolation facility.
Dagdag pa ni Tayag, tuloy-tuloy ang rollout ng COVID-19 vaccines sa Bicol Region.
Pinag-aaralan na rin ng DOH ang pagbibigay ng bivalent vaccines bilang una o ikalawang booster sa mga evacuation center.
Facebook Comments