Tuesday, February 24, 2026

DOJ at PNP, nagpulong para paghandaan ang EDSA People Power Anniversary bukas

Kasabay ng anibersaryo sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution bukas, magtatalaga ang Department of Justice (DOJ) ng standby prosecutors.

Ito ay kasunod ng naging pulong ng DOJ at Philippine National Police (PNP) bilang paghahanda sa kaayusan at kapayapaan sa mga kilos protesta bukas.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, tutulong ang prosecutors nila sa mga tagapagpatupad ng batas sakaling kailanganin na mag-inquest.

Sinabi ni Martinez na isinasagawa ang inquest proceedings para matukoy ang validity ng warrantless arrests.

Napag-usapan din aniya sa naging pulong ang pagposisyon ng mga pulis at kung anong mga lokasyon ang kailangang tutukan.

Una nang tiniyak ng Manila Police District (MPD) na magpapatupad sila ng maximum tolerance kasabay ng pagprotekta sa karapatan para sa freedom of expression.

Facebook Comments