Iaakyat ng Department of Justice sa Court of Appeals ang kaso sa pagdedeklara sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) bilang teroristang grupo.
Kasunod na rin ito ng pagbasura kahapon ng Manila Regional Trial Court-Branch 19 sa kaso laban sa ilang lider ng kilusang komunista.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla, maghahain sila ng proscription case sa CA na tamang venue para sa kaso.
Nabatid na ang kaso laban sa mga kasapi ng CPP-NPA ay ibinase sa Human Security Act of 2007 na napalitan na ng Anti-Terrorism Act of 2020.
Kaya naman tinukoy ng Manila-RTC Branch 19 na valid sa Anti-Terrorism Act of 2020 na ang pagdedeklarang iligal sa isang organisasyon ay dapat idulog sa CA.
Samantala, para sa security analyst na si Prof. Chester Cabalza, mas magandang iapela ng DOJ ang kaso upang magkaroon ng mas malawak na depinisyon ng salitang “terorista”.