DOJ, maglalabas ng mga impormasyon sa publiko kaugnay ng mga kaso sa war on drugs

Nagbigay ng “go” signal ang Department of Justice (DOJ) sa pagpapalabas ng impormasyon sa 52 kaso na ni-review ng DOJ may kinalaman sa giyera kontra droga.

Kabilang sa mga impormasyon na ipapalabas ng DOJ ang hinggil sa docket numbers, pangalan ng mga namatay, lugar at petsa ng mga insidente ng pagpatay.

Layon nito na maipaalam sa pamilya ng mga biktima at para makakuha ng mga testigo.


Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang 20 pahinang matrix ay ilalabas ng DOJ bukas sa publiko.

Una na ring inatasan ng DOJ ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon at case buildup laban sa mga pulis na nasangkot sa patayan sa operasyon kontra iligal na droga.

Facebook Comments