Inatasan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang Bureau of Immigration (BI) na palakasin pa nito ang proseso ng verification at pabilisin ang proseso ng deportasyon laban sa mga dayuhang pugante o indibidwal na pumapasok at lumalabag sa mga regulasyon ng ahensiya.
Ipinag-utos na ni Remulla sa BI na suriing mabuti at i-update ang kanilang watchlist system upang matiyak ang impormasyon sa mga katuwang na international law enforcement agency na nagpapatupad ng batas.
Bukod dito, nais din ni Remulla na magsawa ng regular na training para sa mga Immigration officers.
Nagbabala ang kalihim sa mga foreign fugitives na nais manatili o magpunta sa bansa na mananagot sila batas at hindi makakalusot dito.
Pinuri naman ni Remulla ang BI, sa pagiging alerto nito sa pagsisiguro sa seguridad sa lahat ng mga point entry at exit ng Pilipinas.