DOJ, walang inirekomendang piyansa sa drug case ni Julian Ongpin

47

Non-bailable o walang piyansa ang desisyon ng Department of Justice (DOJ) panel of prosecutors sa kasong isasampa laban kay Julian Roberto S. Ongpin na sangkot sa pagkamatay ni Davao-based artist Breana “Bree” Jonson.

Kaugnay ito ng kasong paglabag sa Section 11 o illegal possession ng iligal na droga o paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang kaso laban kay Ongpin ay isasampa sa Regional Trial Court (RTC) sa San Fernando City, La Union.


Magugunitang noong Setyembre 18 nabawi ng mga pulis ang 12.6 grams ng cocaine sa loob ng hotel room ni Ongpin sa beach resort sa San Juan, La Union kung saan natagpuan ding walang malay si Jonson.

Base rin sa ulat ng PNP, positibo sa cocaine si Julian at Jonson kaya agad na nagsampa ang pulisya ng illegal drugs case laban kay Julian sa Office of Provincial Prosecutor ng La Union

Facebook Comments