DOLE, ipinag-utos nang pag-aralan muli ang minimum wage sa bansa

Ipinag-utos na ni Labor Secretary Silvestre Bello III na pag-aralan muli ang minimum wage sa buong bansa sa gitna ng sunod-sunod na pagtataas sa presyo ng oil products.

Ayon kay Bello, binigyan na nila ng hanggang Abril ang lahat ng regional Tripartite Wages and Productivity Boards upang magsumite ng rekomendasyon.

Paliwanag ng kalihim, ang serye ng oil price hike dahil sa giyera ng Russia at Ukraine ay isa nang batayan para sa wage boards na magrekomenda ng adjustments sa minimum wage ng mga manggagawa.


Binigyang diin pa ni Bello na dahil dito ay tumataas din ang presyo ng mga pangunahing bilihin at nagpapahina sa purchasing power ng mamamayan.

Sa ngayon, nakakatanggap na raw ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards ng mga petisyon para sa umento sa sahod sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Facebook Comments