DOT, kumpyansang mangunguna sa tourists destination sa World Travel Market 2022.

Photo Courtesy: Boracay beach

Naniniwala ang Department of Tourism (DOT) na patuloy na mangunguna ang Pilipinas sa mga bansang nais puntahan ng mga dayuhang turista sa kabila ng mga hamon ng kalamidad na kinakaharap ng bansa.

Ayon kay DOT Secretary Christina Garcia Frasco, sa pagdalo nito sa World Travel Market (WTM) 2022 sa London napakarami ang maaring maipagmalaki ng ating bansa.

Sa Pilipinas lamang aniya makakahanap ng tatlo sa nangungunang 25 pinakamagandang isla sa mundo ‘yan ay ang Cebu, Palawan, at Siargao.


Paliwanag pa ni Secretary Frasco, sa Pilipinas lang din makikita ang isa sa 50 Best Places of the Year ng Time Magazine tulad ng Boracay.

Bukod pa rito, mayroon tayong mga kahanga-hanggang Subterranean River sa Palawan, Chocolate Hills sa Bohol, pati na rin ang lahat ng iba pang magagandang beach sa Pilipinas kung saan isinama bilang isa sa 40 best countries sa mundo.

Dagdag pa ni Frasco, napili ang Pilipinas bilang Asia’s Leading Dive Destination, Asia’s Leading Beach Destination, at Asia’s Leading Tourist Attraction.

Ang mga kompanya sa Pilipinas mula sa travel and tours, hotel and dive sectors ay dumalo sa event ng World Travel Market 2022 na ginaganap sa London taun-taon kung saan hinihikayat ang mga malalaking pangalan sa sector ng paglalakbay na bisitahin ang Pilipinas.

Facebook Comments