DOTr, nanawagan sa LGUs para sa tamang pagpapatupad sa paggamit ng bike lanes

Nanawagan ang Department of Transportation (DOTr) sa local government units (LGUs) na pairalin ang active transport infrastructure program para sa mga nagbibisikleta at sa pedestrians.

Layon nito na makatulong sa pagpapaluwag sa daloy ng trapiko sa buong bansa.

Naniniwala ang DOTr na malaki ang tulong ng LGUs at ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para maipatupad nang istrikto ang bike lane networks nationwide.


Malaki aniya ang tulong ng pagkakaroon ng bike lanes sa pag-decongest sa daloy ng trapiko sa buong bansa.

Facebook Comments